221
Dynasty din ang papalit: Zamora, Sotto pamilya din ng politiko
By

Dynasty din ang papalit: Zamora, Sotto pamilya din ng politiko

Gumawa ng ingay ang dalawang personalidad matapos patidin ang ilang taong pamumuno ng mga political dynasty sa San Juan at Pasig City.

Ito ay ang dalawang mayor-elect na sina Francis Zamora at Vico Sotto.

Si Zamora, na nanalong alkalde sa San Juan nang talunin si Janella Ejercito-Estrada, ay anak ng longtime congressman sa lungsod na si Ronaldo Zamora, na nasa kanyang huling termino na nang magwagi kontra sa aktor na si Edu Manzano.

Si Vico naman, tiyuhin ang senador na si Tito Sotto, ngayon ay nanalo rin ang pinsan na si Gian bilang bise alkalde sa Quezon City.

Dumepensa si Zamora, sinabing wala siyang balak magsimula ng dinastiya sa San Juan at ipinaliwanag na magpapahinga na rin ang kanyang ama sa politika matapos ang termino nito.

“I’m not looking at building a political dynasty,” pahayag ni Zamora sa ANC.

“My father will be serving his last three years as congressman. He is now 74. By 2022, he will be 77. He’ll be retiring definitely,” aniya pa.

Wala rin umanong sumunod ang kanyang asawa sa politika at mas aasikasuhin nito ang kanilang pamilya.

Samantala, hindi bagito si Vico sa politika, nakapagsilbi na bilang councilor noong 2016, at ngayon ay magsisimula ang Pasig sa bagong pamumuna buhat ng 27 taong paninilbihan ng mga Eusebio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?