30
Dylan Sprouse at Barbara Palvin nagdi-date na
By

Dylan Sprouse at Barbara Palvin nagdi-date na

Nasa digital cover ng W magazine sina Dylan Sprouse at Barbara Palvin.

Marami silang nai-share dito na juicy details tungkol sa relationship nila.

Isa na nga rito, na walong buwan na pa lang nagdi-date ang dalawa at dalawang beses na umanong nagtungo sa Hungary si Dylan para makilala ang pamilya ni Barbara pero hindi pa nito nakilala ang kakambal ng una na si Cole.

Gaya rin umano ng millennial romance ang pagkakakilala nina Dylan at Barbara.

Nagkita sila sa isang party at finollow ni Barbara si Dylan sa Instagram.

“She followed me, so I was like, I guess I’ll give her something. And I slid into her DMs. I was like, ‘Hey, I don’t know if you’re in New York for very long, but we should hang out if you want to. Here’s my number.’ And she didn’t message me for six months,” ani Dylan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?