71
Dwight Howard peperahan ng transgender
By

Dwight Howard peperahan ng transgender

Sumagot na ang Washington Wizards center na si Dwight Howard kaugnay ng kumalat na mga tweet kung saan inaakusahan siya ng panghahalay ng isang transgender na sinabing ex siya ng manlalaro.

Ayon sa report ng TMZ Sports, ‘money grab’ o peperahan lang umano siya ng nagngangalang Masin Elije, na base sa mga tweet nito ay nagpasahan umano sila ng mga nude pic ni Howard at mahilig daw umano sa mga transgender ang manlalaro.

Sa kwento ni Elije, nahuli umano nitong niloloko siya ni Howard para sa isang pang transgender dahilan para hiwalayan niya ito na mariing pinabulaanan ng NBA player.

“I don’t know this person, never seen him,” ayon sa eight-time league All-Star. “Any allegation said about me is false.”

Sa report ng Black Sports Online, kanilang inilantad na naghain ng civil lawsuit si Elije kontra kay Howard, maging sa isa pang pastor na nasangkot dahil sa sexual harassment, threat, at panloloko.

Ayon din sa lawsuit, nais ng transgender na sagutin ni Howard ang lahat ng gastos para sa legal battle, kung saan napabalitang magsasampa rin ang manlalaro ng kaso laban kay Elije.

Bakante sa laro si Howard, nakasalang pa lang ng siyam na beses para sa Wizards dahil sa natamong injury sa likuran noong nakaraang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?