277

Mar 28, 2020 @ 14:05
By

#DuterteBdayBASH: Pahinga na Digong – mga netizen

Ibang “birthday bash” ang niregalo ng mga netizen kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-75 na kaarawan ngayong Sabado.

Trending sa social media ang #DuterteBdayBASH kung saan, imbes na positibong pagbati, ay pamba-bash ang natanggap ng Pangulo.

Bumaha ng galit at lungkot sa Twitter nang balikan ng mga tao ang ala-ala ng madugong ‘war on drugs’ ng Pangulo na kumitil sa buhay ng marami.

Maging ang kalagayan ng maraming Pilipino ngayong kinakaharap ng bansa ang krisis dulot ng coronavirus outbreak at ang iba pang pagpatay na naganap sa panahon ng pamamahala ni Duterte.

“Good for you, Duterte, you turned 75. Some people will die today, on your birthday, due to your lack of leadership.”


“May the souls of those who died under this corrupt regime visit you every night. #DuterteBdayBASH”

Hindi lang basta pambabatikos ang giniit ng mga netizen bagkus ang ilan sa mga ito ay pinanalangin pa ang kamatayan ni Duterte o kaya naman ay ang pagbaba niya sa pwesto.

Saad ng isang netizen, “duterte doesnt deserve even an ounce of compassion from us. i hope he resigns, which is definitely impossible knowing the kind of monster he is, so i hope that he dies. i said what i said. #DuterteBdayBASH”


“happy birthday duterte! enjoy your day baka last bday mo na to”


“The first thing that we should do after this pandemic is to rush to the streets and demand Duterte to be impeached. #OustDuterte #DuterteBdayBASH”


Meron din namang mga nagtanggol kay Duterte at nagsabing labis na kasamaan ang hilinging mamatay ang Pangulo.

“Filipinos wishing death upon other Filipinos. President Duterte may have done horrible things against this country but I don’t think we should wish him to succumb to his birthday. No one deserves to die. NO ONE. Not even YOU who wishes death upon other people.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?