92

By

Duterte, war on drugs, panalo base sa resulta ng eleksyon – Locsin

Sa tingin ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin, ang naging resulta ng eleksyon ngayon ay patunay na marami ang nagtitiwala sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa kanyang Twitter post, panalo umano si Duterte at ang kanyang inilunsad na laban kontra iligal na droga sa pagpasok ng kanyang mga pambato sa Magic 12 ng senatorial elections.

“The elections were a referendum on Duterte and his war on drugs. He & the war just won,” ayon kay Locsin.

Dapat umano ay tumigil na sa pagtuligsa ang publiko sa mga gawi ng Pangulo dahil patuloy pa aniya ang laban.

“So shut the f*** up on that subject everybody. The war goes on,” aniya pa.

Sa eleksyon, siyam mula sa sinuportahan ng administrasyon ang nakapasok sa Magic 12, ito ay sina Cynthia Villar, Bong Go, Bato dela Rosa, Sonny Angara, Pia Cayetano, Francis Tolentino, Imee Marcos at Koko Pimentel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?