156
Duterte: Trillanes feeling matapang
By

Duterte: Trillanes feeling matapang

Muli na namang naglabas ng mga tirada si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa kaniyang kritikong si Senador Antonio Trillanes IV.

Sa naganap na campaign sortie ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Pasig noong Sabado, muling binanatan ng Pangulo si Trillanes.

“Just because you are a graduate of what? PMA [Philippine Military Academy] and you think that you are smart? Then you get into adventurism. You are elected, then you abuse people,” saad ni Duterte sa kaniyang talumpati.

“You try to act brave. You think you have three balls. In that case, you’re abnormal,” dagdag pa niya.

Binira rin ni Duterte ang Magdalo, partido ni Trillanes, at si Magdalo Rep. at ngayo’y senatorial candidate na si Gary Alejano.

“Soldiers who are also idiots and who think because they are soldiers they know better than you — and they do all sorts of things. And that could be a warning to you, Magdalo, Trillanes and Alejano. Be careful with soldiers who are into adventurism,” aniya.

“I love my military. I love my police. But be careful about military adventurism. Trillanes, along with Magdalo, Alejano, they talk like they have a master’s degree,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?