118

By

Duterte sa mga umuwing OFWs: Pills na lang, ‘wag condom

Para hindi lumobo ang populasyon ng bansa, hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umuwing overseas Filipino workers mula sa Kuwait na sundin ang programa ng gobyerno sa tamang pagpaglano ng pamilya.

Hinimok ng Pangulo ang mga umuwing OFWs na gumamit ng pills dahil may libre mula sa gobyerno at huwag mag-condom dahil hindi aniya ito masarap gamitin.

Sinabi ng Pangulo na nasa 110 million na ang populasyon ng Pilipinas kaya mahirap ang buhay ng mayorya sa mga pilipino.

Kung nasa 50 million lang sana aniya ang populasyon ay kayang mapakain lahat at magkaroon ng sapat na trabaho .

“May pills libre. Wag yang condom kasi hindi masarap yang condom. Hindi ako nagpapatawa. Ako I’m just telling you that is why Biology. Alam ko ayaw nyo ng condom so either magpa-injection kayo good for six months. So walang limit yung ka**** mo diyan. Bahala ka kung ano,” anang Pangulo.

Mistulang nakiusap pa ang Presidente na huwag masyadong magpalabas ng tao o manganak ng manganak dahil naaawa aniya siya sa lalo na kung walang ama at kung hindi kayang buhayin kaya napipilitang iwan para maghanapbuhay sa ibang bansa.

Kaya aniya nagiging dysfunctional ang isang pamilya kapag wala ang ama o ina na dapat gumagabay sa mga ito kaya kadalasan ay nalululong ang mga anak sa illegal na droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?