1,230

Feb 27, 2020 @ 9:30
By

Duterte sa mga Pinoy: US o China?

Kung hindi kayang tumayo ng Pilipinas mag-isa, sabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, marapat lang na mamili ito kung magiging teritoryo ba ng Amerika o magiging probinsya ng Tsina.

Muli kasing pinanindigan ni Duterte ang kanyang desisyon na wakasan ang Visiting Forces Agreement (VFA) ng bansa sa Estados Unidos.

“‘Pag hindi natin kaya [sa sarili natin,] we have no business being a republic,” hayag nito kahapon, Pebrero 26, 2020, sa oath-taking ng mga opisyal ng National Commission for Culture and the Arts at presentasyon ng mga Ani ng Dangal awardee.

“You might as well choose: We can be a territory of the Americans or we can be a province of China,” wika pa niya.

Ito, matapos niyang tanungin ang mga pulis at sundalong Pilipino kung mabubuhay ba tayo kung wala ang Amerika.

“And the military and police said, ‘Sir, kaya natin’,” kwento ng Pangulo.

Inutos ni Duterte na ibasura ang VFA makaraang kanselahin ng American government ang visa ng kanyang kaalyado na si Senador Bato Dela Rosa.

Isa rin aniyang rason sa pagwawakas ng kasunduan ang pangingialam ng Amerika sa mga usapin sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?