31
Duterte sa mga Muslim lider: Isantabi ang mapait na alaala ng pakikipaglaban
By

Duterte sa mga Muslim lider: Isantabi ang mapait na alaala ng pakikipaglaban

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) na isaalang-alang ang kapakanan at kagustuhan ng mamamayan para sa pagbabago ng Mindanao.

Sinabi ng Pangulo sa 80 na miyembro ng BTA na ang mamamayan ng Mindanao ang nagpasya para isulong ang pagbabago at pag-unlad sa rehiyon sa pamamagitan ng niratipikahang Bangsamoro Organic Law.

Huwag sana aniyang magbago ang isip at balikan ang dating gawi dahil panahon na para magkaisang isulong ang pag-unlad ng Mindanao.

“As we welcome a new era of peace and development in the region, I pose this challenge to the members of Bangsamoro Transition Authority: always embody the dreams and aspirations of the great men and women who came before you and fought for the recognition of your right to determine your future,” anang Pangulo.

Hiniling din ng Presidente sa mga Muslim leader na isantabi na ang mapait na alaala ng mga pakikipaglaban at itutok ang atensiyon sa pagpapaunlad at kapayapaan sa rehiyon.

“The road to peace maybe long and rough, but I am glad that we have finally reached its endpoint. My only hope is that we put to rest the bitter memories of the past so that we can build a new region that is bound by a common aspiration for peaceful coexistence among our fellow Filipinos,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?