127

Mar 31, 2020 @ 0:11
By

Duterte sa mga frontliner: Salamat sa inyong kabayanihan

Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga frontliner at mga local government unit na lumalaban para makontrol ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

“Your heroism will not be forgotten,” sinabi ng pangulo sa kanyang talumpati Lunes bago maghatinggabi.

Sinisiguro din ng pangulo na tutulong ang national government para masiguro ang kapakanan ng mga mamamayan sa bawat komunidad.

Sa kanyang talumpati, nilinaw din ng pangulo na gagamitin lamang nito ang direct operation sa mga pribadong kompanya kung talagang kinakailangan.

Hinimok din niya ang pribadong sektor na magbigay ng kontribusyon para makatulong sa national emergeny na nararanasan ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?