441

By

Duterte sa mayors na ayaw paawat sa droga: Papatayin ko kayo!

Muling binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga alkalde, kapitan ng barangay, pulis at ilang miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na papatayin ang mga ito kapag hindi pa rin nagpaawat sa iligal na droga.

Sa kanyang talumpati sa oath-taking ng mga bagong opisyal ng gobyerno, sinabi ng Pangulo na hindi niya natantiya ang lawak ng problema sa iligal na droga matapos ipangako noong panahon ng kampanya na tatapusin niya ang drug problem sa bansa sa loob ng anim na buwan.

Nalaman na lamang aniya ang lalim ng problema sa iligal na droga nang maupo na siya bilang Presidente matapos pabuksan ang record ng mga personalidad na sangkot sa illegal drug trade.

“Pag ang mayor naghawak ng negosyo ng droga, kaya kayo nakikinig kayo lahat, p*t*ng*na papatayin ko kayo. You better write your obituary to the Human Rights. You destroy my country I will kill you. You destroy our sons and daughters I will kill you. There’s no middle ground there. Then you can go to hell for all I care!,” anang Pangulo.

Hinamon din ng Pangulo ang mga binabantaan na magdemanda pero hindi aniya ito titigil hangga’t hindi natatapos ang problema ng iligal na droga sa bansa.

“I’m warning the mayor, the barangay captains, and the so many police officers who have died, pati PDEA, dont f*ck with me. I will kill you, period,” ang gigil na pahayag ng Pangulo.

Hindi aniya katanggap-tanggap sa kanya, sa gabinete, sa militar at pulisya ang problema dahil hindi lamang siya ang nagpapatakbo sa gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?