40

Duterte sa DOLE, DSWD: Kunin ang mga illegal recruiter!

Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Labor and Employment at ang Department of Social Welfare and Development na pag-ibayuhin pa ang kampanya laban sa mga illegal recruiter ng mga overseas Filipino worker (OFW).

Sinabi niya ito sa gitna ng mga napapabalitang kaso ng pang-aabuso laban sa mga OFW.

“I am sending him a message now that you have to do more,” anang Pangulo para kay Social Welfare Secretary Rolando Bautista na parte ng audience.

“I hope you can come up with a structure, a bigger one to go after itong recruitment. And so goes for the Department of Labor and everybody. My orders are really to get them,” saad pa niya sa isang awarding ceremony ng mga child-friendly na munisipalidad sa bansa.

Suportado rin ni Duterte ang pagtatatag ng Department of OFW upang matutukan umano ng gobyerno ang mga recruitment agency sa bansa, maging ang kapakanan ng mga OFW.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?