104

By

Duterte sa banat sa mga babae: Freedom of expression ‘yun!

Idinepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kontrobersiyal na hirit nito sa mga babae na para sa ilang mga grupo ay “misogynistic o sexist” remarks.

Sa kanyang pagsasalita sa Malacañang sa awarding ceremony para sa outstanding women in the law enforcement field, sinabi ni Digong na kahit siya ay Pangulo, hindi pa rin dapat tanggalin sa kanya ang karapatan niya sa freedom of expression.

“You know you women you are deprived me of my freedom of expression. Hindi ko sinasabi sa inyo ‘yan. But you criticize every sentence or word I say. But that is my freedom to express myself. Even if I am just a President, do not take it — do not take me away from the crowd of being a Filipino citizen,” saad ng Pangulo.

“Kaya kayong mga g*** kayo huwag kayong mag ano. It’s the freedom of expression. Kaya sinasadya ko ‘yang ganituhin kasi I’m trying to bring you to the limits of despair,” dagdag pa nito.

Matatandaang madalas tuligsain ang Pangulo dahil sa mga komento nito sa mga babae kagaya na lang ng pagbaril sa ari ng mga babaeng rebelde at mga rape joke.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?