228

By

Duterte sa 2019 budget: Hindi ako pipirma ng illegal document

Nagbigay na ng posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa hindi pa rin matapos-tapos na gusot sa 2019 national budget dahil sa mga nakasingit na umano’y pork barrel fund.

Sa kanyang talumpati ngayong Lunes ng gabi sa seremonya ng Outstanding Women in Law Enforcement and National Security of the Philippines sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na hindi niya papayagang makalusot ang mga iligal sa kanyang pangangasiwa.

Nagbabala ang Pangulo na kapag hindi napirmahan ang 2019 national budget at gagamit ng reenacted budget, babagal aniya ang takbo ng ekonomiya ng bansa at lahat ng serbisyong pang-gobyerno may maaapektuhan.

Sinabi ng Presidente na nagdedebate pa ang mga lider ng Kongreso at umaasa siyang maaayos din ang isyu para sa kapakanan ng mga Filipino.

“Si Arroyo pati ‘yung mag-introduce sana sa akin nawala kasi nagdebate pa sila ngayon sa budget. I said my piece I will not sign anything that would be an illegal document. Magkaroon tayo ng slide sa GDP niyan if we are going to reenact the budget, and everybody will suffer including the law enforcement. It will decrease our GDP, alam ninyo ‘yan, walang panggastos to move on eh. It’s an everyday income that we expect,” anang Pangulo.

Hindi pa rin naisusumite sa Malacañang ang enrolled bill ng 2019 national budget dahil kinalikot umano ito ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at nagsingit ng mga dagdag na pondo na inalmahan ng mga senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?