1,334

By

Duterte: Para manahimik ang bulkang Taal, mag-alay

Sa kabila ng mabigat na dinaranas ng maraming mamamayan ng Batangas ay nagawang magpatawa ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pag-aalburuto ng bulkang Taal.

Sa ginanap na situation briefing sa Batangas City nitong Martes ng gabi, sinabi ng Pangulo na kaya nag-iingay ang bulkan ay dahil marahil nakalimutan ng mga mamamayan na mag-alay sa bulkang Taal.

Kailangan aniyang mag-usal ng dasal at magdala ng alay sa bulkan sakaling manahimik at tumigil sa pagbuga ng abo.

“But Taal is a really noisy one. And maybe you have failed to make some offerings there. You should go there and you know say a little prayer and offer something. Let’s go by the primitive way of doing it just like what our forefathers would do it. You make some offerings. It was true then but it might be true now,” anang Pangulo.

Naniniwala aniya siya sa kapangyarihan ng Diyos subalit wala namang mawawala kung susubukan ito gaya ng ginagawa noong mga unang panahon.

“Well, we are a Christian country. So we believe in no other power than God. But you know, alongside with God, ito ‘yung may-ari ng mga bulkan, ‘yung si Mt. Makiling,” dagdag pa ng Pangulo.

Kasabay nito sinabi ng Pangulo sa mga dumalong opisyal na kuntento siya sa ginagawang pagkilos ng mga ahensiya ng gobyerno dahil sa kabila ng matinding pinsalang idinulot ng bulkang Taal ay walang namatay at walang nagkasakit sa mga lumikas na residente.

“Well, anyway I am very satisfied I said with the response of everybody. The fact that no one was killed and that there’s nobody really sick,” wika pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?