30

By

Duterte pamudmod ng dagdag insentibo sa Asian Games medalists

Tiba-tiba ang mga atletang Pinoy at Pinay na nakakuha ng mga medalya sa katatapos lang na 2018 Asian Games sa Jakarta-Palembang, Indonesia.

Bukod sa naunang premyo na P6 milyon para sa gintong medalya, P2 milyon sa pilak at kulang-kulang P1 milyon para sa tanso, balak pang dagdagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mahahamig ng mga atleta bilang gantimpala sa karangalang naibigay sa bansa.

Ayon kay sports Gerry Ramos ng spin.ph, kukulimbat din ang mga medalist ng dagdag P1M sa gold, P500,000 sa silver at P250,000 naman sa bronze.

Pati naman mga naglaro sa Asian Games na walang nakuhang medalya ay bibigyang parangal saad ng Philippine Sports Commission chairman Butch Ramirez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?