680

By

Duterte nasa likod nang panggigipit kay Ressa – Trillanes

Si Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y nasa likod ng panggigipit sa journalist na si Maria Ressa.

Ayon kay Senador Antonio Trillanes IV, nakita sa ginagawa kay Ressa ang pagiging mapanikil ng Pangulo at ng takot nito sa pananagutan.

“I strongly condemn Duterte’s latest effort to persecute independent journalist, Maria Ressa. This move unmasks his despotic regime and his fear of accountability,” sabi ni Trillanes.

Dahil dito, nanawagan ito para sa pagkakaisa para sa kalayaan ng pamamahayag.

“We must unite and stand for press freedom in these trying times, as Duterte systematically destroys our democracy,” dagdag ni Trillanes.

Ayon naman kay Senador Bam Aquino, ang ginagawa kay Ressa ay nakababahalang paraan ng pamahalaan para magpatahimik ng mga kritiko.

“Malinaw na pananakot ito sa mga kritiko ng administrasyon. Libha akong nababahala sa daok na ito sa malayang pamamahayag. Mahalagang haligi ng demokrasya n gating bansa ang press freedom. Kapag napilay ang demokrasya, mamemeligro ang mga karapatan at kalayaan ng mamamayan,” sabi ni Aquino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?