96

Nov 30, 2019 @ 21:03
By

Duterte, napasayaw sa parada ng Philippine delegation

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang opisyal na pagbubukas ng 30th Southeast Asian (SEA) Games sa seremonyang ginanap sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Kasama ng Pangulo na dumalo sa opening ceremony si Sultan of Brunei, Sultan Haji Hassanal Bolkiah.

Sinaksihan ng Pangulo at ni Bolkiah ang parada ng mga atleta mula sa mga bansang kalahok sa SEA Games.

Humakot ng maraming palakpak ang Philippine team kung saan pati si Pangulong Duterte ay napaindak sa tugtog na “Manila”.

Pasado alas-otso ng gabi ay opisyal nang idineklara ni Pangulong Duterte ang pagbubukas ng 30th SEA Games na tatagal ng 11 araw.

“I declare open Southeast Asian Games for the 30th time celebrating the games of Southeast Asia. Mabuhay kayong lahat!” anang Pangulo.

Hinangaan naman ng mg manonood ang magandang cultural presentation na nagpapakita ng kultura ng Pilipinas.

Punong-puno ng mga manonood ang Philippine Area na mayroong kapasidad na 55,000.

Nauna rito ay nagpaabot na ng goodluck wish ang Malacañang para sa mga atletang Pinoy at hangad ang kanilang tagumpay sa SEA Games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?