141
Kailan ka nagkaroon ng gobyerno?
By

Duterte napamura kay Sison: Kailan ka nagkaroon ng gobyerno?

Binirang muli ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison.

Minura at kinuwestiyon ng Pangulo ang pahayag ni Sison na mayroon itong sariling gobyerno kaya hindi niya mapagbibigyan ang kondisyon na itigil ang paghingi ng revolutionary tax kapalit ng muling pagbubukas ng peace talks.

Ayon kay Pangulong Duterte, walang ginawa ang kilusang komunista kundi ang pumatay at mamerwisyo ng mga inosenteng tao.

Kahit isang barangay ay walang nakuha si Sison at 52 taong lumaban sa gobyerno kaya paano aniya ito nagkaroon ng sariling gobyerno.

“Anong gobyerno? P*tang*na ka, kailan ka pa nagkaroon ng gobyerno? Ang gobyerno amin. Ikaw yung bastos sige patay. Karamihan ng mga namatay yung mga barangay captain, sundalo pati pulis. Tsaka yung mga tao na ayaw sa kanila. Ul*l,” ang galit na pahayag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na hindi kailangan ng tao ang New People’s Army dahil kayang ibigay ng gobyerno ang ipinapangako nilang land reform.

“Hindi na natin kailangan ang NPA what for? ‘Yang kampanya nila ibigay nila ang lupa sa tao, kaya ko mamg ibigay yan. Binibigay ko na nga eh!,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?