79

May 22, 2020 @ 20:53

Duterte nagregalo ng house and lot sa PMA, PNPA topnotchers

Pinasaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nanguna sa Philippine Military Academy (PMA) Masidlawin Class of 2020 at Philippine National Police Academy (PNPA) Mandayug Class of 2020 matapos niyang sorpresahin ng bahay at lupa.

Inanunsyo ito ng Presidente sa simultaneous graduation rites ng PMA at PNPA nitong Biyernes.

Si Cadet First Class Gemalyn Sugui na taga-Isabela ang nag-top 1 sa mga nagtapos sa PMA ngayong taon habang si Cadet Lei Anne Palermo, ng Zamboanga City, ang nangibabaw sa PNPA.

Sa pamamagitan ng teleconferencing mula sa Malacañang sinabi ni Duterte ang pagbibigay niya ng house and lot na nagkakahalaga ng P2 milyon bawat isa kina Sugui at Palermo.

Nagmula raw ang house and lot sa VistaLand Company ni dating senador Manny Villar.

Samantala, makakatanggap naman ang class “goats” ng Rock Island Armory caliber .45 pistol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?