687

Duterte nagpa-blood test

Sumailalim sa blood test si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes.

Sa kanyang speech sa Pasay City, ipinakita ng Pangulo ang kanyang braso na may maliit na band-aid para matakpan ang turok ng hiringgilya.

“Kinuhanan ako ng dugo, o iyong media magtatanong na naman ng sakit ko,” ani Duterte sa pagsasalita nito sa 85th anniversary celebration ng Department of Labor and Employment.

“Pagtusok nila ng syringe, kukunan ako ng dugo, walang lalabas, puro hangin,” pagbibiro pa ng Pangulo.

Hindi naman nito tinukoy kung bakit ito nagpa-blood test.

Matatandaang laman ng balita ang hinggil sa kalagayan ng kalusugan ng 73-anyos na Pangulo.

Nag-ugat ito matapos sabihin ng Pangulo na nagsuka ito sa eroplano pabalik mula South Korea dahil sa matinding migraine.

Tiniyak naman ng Malacañang na maayos ang kalusugan ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?