55

Duterte naging Santa Claus sa mga empleyado

Namigay ng maagang pamasko si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng empleyado ng Office of the President (OP).

Nitong Lunes ibinigay niya ang P60,000 Christmas bonus sa mga manggagawa ng kanyang opisina.

Noong Disyembre 2018 nakatanggap ang OP employees ng P50,000 bilang Christmas bonus.

“As we light this Christmas tree in this historic grounds of Malacañang. It is my ardent hope that it will serve as a reminder for everyone to continue lighting up the lives of others especially those who are suffering from poverty and injustice,” sabi ng Pangulo matapos pangunahan ang pagsisindi sa 40-talampakang taas ng Christmas tree sa Kalayaan grounds sa Malacañang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?