97

Jan 31, 2020 @ 11:17
By

Duterte: Mga biyahero mula Hubei, China bawal na sa ‘Pinas

Pinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang travel ban sa mga Chinese national na manggagaling sa Hubei province sa China.

Ito, ilang oras matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang unang nagpositibong kaso ng novel coronavirus (2019-nCoV) sa bansa.

“Upon the recommendation of DOH Secretary Francisco Duque, the President has issued a travel ban to Chinese nationals coming from the Hubei province of China where the nCoV originated, as well in other places in China where there is a spread of the disease,” ani Presidential Spokesperson Salvador Panelo ngayong Biyernes, Enero 31.

Sabi ng opisyal, epektibo ang travel ban “hanggang mawala na ang banta” ng mala-pneumonia na virtus.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, kasalukuyang nakahiwalay at ginagamot ang babaeng Chinese na tinamaan ng 2019-nCoV sa San Lazaro Hospital sa Maynila.

Galing ito ng Wuhan City sa Hubei, China at bumiyahe sa Hong Kong, Cebu, at Dumaguete bago nagpaospital sa Metro Manila.

“There is no way that she will transmit the disease to another person as the hospital personnel are protectively dressed and their mouths and noses covered with surgical masks plus their hands covered with globes,” hayag ni Panelo.

“We ask our countrymen to follow the advice of the DOH to observe personal hygiene as a preventive measure like regularly washing one’s hands and wearing surgical asks in going around crowded areas,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?