630
Duterte may dagdag-sahod ngayong 2019
By

Duterte may dagdag-sahod ngayong 2019

Halos P400,000 ang matatanggap na buwanang suweldo ni Pangulong Rodrido Duterte matapos aprubahan ang fourth tranche ng dagdag-sahod ng mga government worker ngayong taon.

Pinirmahan ng Pangulo ang Executive Order No. 76 na magsisiguro ng pondo sa fourth tranche ng salary increase dahil natengga ang national budget.

Noong 2018 ay sumasahod ang Pangulo ng P298,083 dahil sa third tranche ng salary increase at ngayong 2019 ay aabot na ito sa P399,739 o dagdag-sahod na P101,656.

Noong 2016 nang unang manungkulan bilang Pangulo si Duterte ay nasa P160,924 hanggang P165,752 lang ang monthly pay nito, ayon sa report ng ABS-CBN.

Kung ikukumpara ay mas malaki ito sa sinundan niyang si dating Pangulong Noynoy Aquino na sumusuweldo noon kada buwan ng P120,000 sa buong anim na taon nitong termino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?