45
Duterte maayos na ang pakiramdam – Panelo
By

Duterte masaya sa pagtugon ng mga ahensiya ng gobyerno sa Taal eruption

Kuntento si Pangulong Rodrigo Duterte sa maagap na pagtugon ng mga ahensiya ng gobyerno para alalayan ang mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal sa Batangas.

Sa situation briefing sa Batangas City, sinabi ng Pangulo na nagagalak siyang malaman mula sa mga local executives na ang mga naunang dumating para tumulong ay sina DSWD secretary at retired general Rolando Bautista at Health Secretary Francisco Duque.

“First of all, let me congratulate the local governments for their splendid response to the crisis. And of course, coming behind to take care of the people here during the rumble. Nandito lahat and I was even informed by Governor Mandanas that the first to arrive was General Bautista of the DSWD. I’d like to congratulate you for a job well done. I am happy that we responded well. And we are here almost, especially the DSWD and the health authorities, because that’s the main two problems really,” anang Pangulo.

Naaawa aniya siya sa mga naapektuhang mga residente dahil nagmukhang zombie ang mga ito dahil nabalot ang buong katawan ng abo na ibinuga ng bulkan.

Hindi batid ng Pangulo kung kailan matatapos ang krisis subalit tinitiyak nito na hindi titigil ang gobyerno sa pagtulong sa mga biktima nang pagsabog ng bulkan, lalo na sa pagkain sa araw araw ng mga ito.

“They are even covered with ashes like zombies sa picture. Kawawa naman. This crisis seems to be a continuing one. Whether it will grow into a big explosion or it will simmer down, we have yet to… Let’s see what develops in the days to come,” dagdag ng Pangulo.

Matapos ang situation briefing ay binisita ni Pangulong Duterte ang mga residente sa isang evacuation center at tiniyak ang tulong ng gobyerno, kasama na ang tulong -pinansiyal, pagkain at ano mang maari pang maibigay para makabangon at makapagsimula muli ng panibagong buhay. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?