51
joma-sison
By

Duterte mas garapal kay Marcos, modern maniac! – Joma Sison

Nagpatama ang Communist Party of the Philippines founder na si Joma Sison kay Pangulong Rodrigo Duterte isang araw matapos ang Kapaskuhan.

Saad ni Sison, hindi umano bagay si Duterte bilang Pangulo ng bansa at hanggang pagiging mayor lang umano ang kakayahan nito.

Kanya ring binuweltahan ang extrajudicial killings na nangyayari umano sa bansa dahil sa karakter umano ni Duterte na mahilig sa pagpatay.

“If a mediocre student like Duterte, and if someone who is only good for being mayor and even bad as he was, engage in extrajudicial killings, now you have a maniac. A modern maniac in power trying to put on a national scale his blood-thirsty kind of character,” saad ni Sison sa kanyang panayam sa ANC.

Kanya ring sinabi na mas grabe umano ang oligarkiya na dinaranas ng bansa kay Duterte kumpara noong panahon ng dating presidente at diktador na si Ferdinand Marcos.

“This is the worst manifestation of the oligarchy, much worse than the Marcos phenomenon,” ayon pa kay Sison.

“At least Marcos was more intelligent in pushing his crooked objectives since he was able to counter his greed for power and wealth,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?