96

By

Duterte mangunguna sa Hugpong ng Pagbabago convention

Panauhing pandangal si Pangulong Rodrigo Duterte sa convention ng partido ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa Davao City.

Inaasahang dadaluhan ng mga lokal na pulitiko ang aktibidad matapos manumpa sa partido ang karamihan sa local executives sa Mindanao.

Maging si Presidential Spokesman Harry Roque na hindi naman taga-Davao ay naimbitahang magsalita sa pagtitipon.

Walang impormasyon si Roque sa ulat na manunumpa umano ang Pangulo sa partido ng kanyang anak na si Mayor Sara.

Sa pagkakaalam ni Roque, ang Hugpong ang dating partido ng Pangulo noong siya ay tumatakbong alkalde sa Davao City, pero dahil Presidente na ito ng bansa, ang PDP-Laban ang dadalhin nitong partido kung saan siya ang tumatayong chairman.

“Wala po akong impormasyon na ganoon. Ang alam ko po, ako po ay isa sa magsasalita at magpapakita ng suporta sa Hugpong. Dahil ako naman po apparently, wala po akong partido dahil, may nilabas po na letter kahapon si Senator Koko Pimentel at nakasulat po doon na ako po I was classified as a friend of PDP-Laban, not as a member of PDP-Laban ‘no. So as of now wala po, kung hindi ako nanumpa sa Hugpong, eh wala po akong partido,” ani Roque.

Nanumpa ang kalihim sa partido ni Mayor Sara noong nakalipas na Linggo sa Malita, Davao Occidental.

Gayunman, may probisyon sa bylaws ng HNP na ang maaari lang na maging miyembro ng partido ay mga rehistradong botante ng rehiyon.

Si Roque ay rehistradong botante ng Quezon City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?