49,065
Easter message ni Duterte sa mga Pinoy: Magkaisa para sa bansa!
By

Duterte mag-aalok ng P50M sa NPA para patayin ang kanilang lider

Mag-aalok umano ng P30 milyon hanggang P50 milyon sa New People’s Army (NPA) si Pangulong Rodrigo Duterte para patayin ng mga ito ang kanilang mga lider.

Malibas sa cash reward, bibigyan pa umano niya ang mga ito ng sariling bahay o condo unit at tutulungang makapag-training sa TESDA.

“Paabutin ko ng 30-50 million ‘yan. Pagdating ng 50 million sabihin ko ‘o sige maski sinong lider diyan, patayin ninyo, ibigay ninyo ‘yung ulo.’ I will give you fifty million, ilan kayo. Patayin niyo muna ang lider niyo. Gusto ninyo may bahay pa kayo, may condo pa sila then you train under TESDA kay General Lapeña,” anang Pangulo matapos niyang itaas sa P6 milyon ang pabuya sa ikareresolba ng kaso ng apat na pulis na pinatay sa Negros Oriental.

Inatasan din ng Presidente ang Special Action Force ng Phililppine National Police na mag-operate para mahuli ang lider ng mga rebelde na pumatay sa apat na pulis.

“Sabihin niyo sa mga SAF. Mag-operate sila, kung hindi pa ‘yan, but I will conduct my own reading so that I can more or less, hindi malugi ‘yung gobyerno. Bibitawan ko ‘yung pera, hindi naman akin ‘yan,” wika pa ng Presidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?