159

By

Duterte kinuwestiyon ang Diyos: Noong nagkaproblema sa droga, bumaba ka ba?

Handang idepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang sarili sakaling kuwestiyonin siya ng Diyos ukol sa kanyang laban kontra iligal na droga.

“Sabi nila evil? Oh well, I will explain to God, bakit ba God nung nagkaproblema sa droga sa Pilipinas bumaba ka noon?” pakli ni Duterte sa awarding ceremony ng 2018 Presidential Award for Child-Friendly Municipalities and Cities sa Malacañang.

Napatanong din si Duterte kung totoo bang mayroong Diyos nang magkaroon ng massacre sa iba’t ibang lugar.

Sa kanya pang talumpati, sinabi ni Duterte na hindi mareresolba ng ilang human right orgs ang drug problem sa bansa, na patuloy pang binabanatan ang kanyang drug war campaign.

“What will happen now if we allow drugs to destroy not only a few but many? There you have a generation and a problem to be solved by the next generation. Human rights? Hindi makatulong ‘yan.”

“Human rights will not be there forever but the government and the Filipino people will be here until kingdom come,” ayon pa sa Presidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?