760
Duterte kay Trillanes: Halata kong bakla ka!
By

Duterte kay Trillanes: Halata kong bakla ka!

Kinuwestiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkalalaki ni Senador Antonio Trillanes IV kung saan ay tinanong niya sa mga nakikinig sa isa niyang talumpati kung nahahalata ba ng mga ito na hindi lalaki si Trillanes.

Nagsimula ang pagbira ni Duterte sa pagkalalaki ng senador sa pagtatanong niya sa mga tagapakinig kung sino ang bakla doon.

“May tanong ako sa inyo ah, wag kayong mainsulto. Ako bakla ako noon, admitahin ko yan, oo totoo, ayaw niyong maniwala e. Sinong bakla dito? Hindi, totoo. Huwag kayong – bakit ka mahiya kung bakla, sinong bakla dito? Sinong bakla? Ako ang dalawang brother in law ko, kapatid ni asawa ko si Yvette, yung first wife ko, yun dalawa magkasunod bakla,” aniya.

Saad ng Pangulo, basahin umano ng mga kabaklaan ang kilos ni Trillanes at pansinin kung lalaki nga ba ito.

“Ngayon marunong man kayong magbasa, tanungin ko kayo, si Trillanes ba lalaki?” tanong ni Duterte.

“Kayong mga bakla, kayo ang nagbabasa. Isang tingin lang ninyo alam na ninyo e. Si Trillanes ba, lalaki?”

Sumagot naman ang ilan ng, “Hindi.”

Saad ni Duterte, dalawa o tatlong tingin niya lang kay Trillanes ay alam na niyang bakla ito.

“Bakit nahalata ninyo? Trillanes hindi ako nagsabi niyan ah, tinatanong ko ang mga sister ko na bakla. Kasi ikaw, halata kita. Oo, dalawa, tatlong tingin ko lang, kasi ako bakla,” saad pa ni Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?