3,214

By

Duterte kay Gordon: Isang utot ka lang!

Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Richard Gordon matapos punahin at kuwestiyunin ang pagtalaga nito ng mga militar sa kanyang gabinete at iba pang puwesto sa gobyerno.

Sa kanyang talumpati sa ika-28 founding anniversary ng Bureau of Fire Protection, ibinuhos ng Pangulo ang banat kay Gordon na aniya ay nasa tiyan ang utak at isang utot na lang ito.

Hindi nagustuhan ng Pangulo ang kritisismo ni Gordon at sinabing probinsiyano kasi siya at walang kilala sa Manila kaya puro militar ang kinuha sa mga mahahalagang puwesto sa gobyerno.

“Probinsiyano ako, totoo ‘yan. Pero at least probinsiya ako my brain stays in my head. Yung utak mo natutunaw nasa tiyan mo. You are just a fart away. Intindihin mo,” anang Pangulo.

Hindi rin pinalampas ng Pangulo ang pagiging mabilis magsalita ni Gordon na hindi naman niya maintindihan at dinadala lang sa ingay.

“He talks fast…dinadala niya sa usapang… g*g* ka hindi ka naman talaga Pilipino. Tisoy ka lang diyan. Isang utot ka lang! ‘Yang laki mong ‘yan. ‘Yan ang katawang mahirap, hindi puwede ang ambulansiya karga mo ‘yan sa truck ninyo. Pakialamero. Ikaw lang ba marunong?” dagdag pa ng Pangulo.

Binigyang-diin ng Presidente na kaya puro militar ang kinukuha nito sa gabinete at sa iba pang puwesto dahil tapat ang mga ito at mabilis magtrabaho.

Mahirap aniyang maghanap ng tapat na tao sa mga panahong ito at sa isang libong kandidato, mahirap pang mapabilang ang senador sa dalawang pagpilian.

Kung si Gordon lang naman aniya ang makita nito para sa puwesto, mas mabuting mag-resign na lang ito bilang Presidente.

“Ano daw ang nakita ko sa military? One, I can move faster with honesty. Mahirap maghanap ng tao na honest ngayon, sa isang libo, buti na lang kung kasali ka diyan sa dalawa. Dick Gordon, it is my prerogative… ano ba ang problema niya?” wika pa ng Pangulo.

Pinangaralan pa ng Presidente si Gordon na kung hindi nito alam ang ibig sabihin ng katapatan at integridad ay mas mabuting manahimik na lang ito.

“Ang honesty ng tao, it is innate to his soul. Men of integrity and honesty kung hindi mo alam ang salitang ‘yan kaya ‘wag kang masyadong… para kang penguin na maglakad. Totoo man. Pag magkita kami, sabihin niya in front of me. Tiyan mo parang butete,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?