57

By

Duterte hindi magpapa-party sa mga nanalong pambato

Hindi umano maglalaan ng victory party si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga inendorso niyang kandidato na nanalo sa 2019 midterm elections.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi umano mahilig ang Pangulo sa ganoong bagay.

Kaugnay nito, naiproklama na ang pagkapanalo ng tatlong anak ng Punong Ehekutibo sa Davao City na sina Sara, Sebastian “Baste” at Paolo “Pulong” Duterte.

Mananatiling alkalde ng nabanggit na lungsod si Inday Sara habang bise alkalde ang unopposed na si Baste.

Wagi naman sa pagka-kongresista ng 1st District si Pulong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?