100

By

Duterte: Hindi ko kailangan ng papuri, hindi ako kandidato

Hindi kailangan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang puri at pasasalamat ni senatorial reelectionist Bam Aquino.

May kinalaman ito sa pinirmahang Executive Order No. 76 ni Pangulong Duterte nitong Marso 15, 2019 kung saan inatasan ang Department of Budget and Management na hanapan ng budget ang huling tranche ng Salary Standardization Law para sa dagdag na sahod ng lahat ng kawani ng gobyerno.

Sinabi ng Pangulo na hindi niya kailangang purihin dahil hindi naman ito kandidato.

Tungkulin aniya nito na ibigay ang dagdag sahod dahil hinihintay ito ng mga kawani ng gobyerno sa kabila ng kawalan ng pondo dahil gumagamit ngayon ng reenacted budget ang gobyerno.

Bagama’t hindi aniya nakakatulong ang pagpuri ni Aquino, mayroon naman itong inspiring words.

Sinabi pa ng Pangulo na nasa huling tatlong taon na siya ng kanyang termino kaya hindi na niya kailangang purihin dahil pagkatapos nito ay hindi na siya uulit pa sa politika.

“Kung hindi naman nakakatulong, huwag na ako. Hindi ko na kailangan. Alam mo bakit? Huwag mo ako purihin. Hindi na ako kandidato. On the last three years na ako. Pagkatapos niyan, sunset time na ako,” anang Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?