91

By

Duterte hindi kailangang isapubliko ang SALN – Palasyo

Walang legal basis sa paglabas ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang tugon ng Palasyo matapos sabihin ng Philippine Center for Investigative Journalism na hindi nakapagbigay ng kopya ng SALN ang Pangulo noong 2018 sa media.

Ayon pa sa report ng PCIJ, lahat ng mga Pangulo bago si Duterte simula noong 1989 ay nagdi-disclose ng SALN kada taon.

“The President has complied with what the Constitution or law requires – the timely submission of a declaration under oath of his assets, liabilities, and net worth,” ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo.

“Neither instrument requires the President to personally and directly furnish a copy thereof to the media or to whomever wants it. There is a mandated procedure under the law to access the same.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?