75

Duterte handang mag-veto ‘pag may nasilip na insertion sa 2020 budget – Palasyo

Pinangako ng Palasyo na walang palulusuting singit sa 2020 national budget na inaprubahan na sa Bicam.

Ito’y matapos na magpahayag si Senador Ping Lacson na may nakuha siyang impormasyon na aabot sa P16-billion ang umano’y siningit na budget ng mga kongresista sa P4.1-trillion national budget.

“Provisions in the budget that run counter to the Constitution will be vetoed by the President, there is no change in that policy,” saad ni presidential spokesperson Salvador Panelo.

Matatandaan na nag-veto na noon si Duterte ng abot P95-billion na item sa 2019 budget dahil hindi nakalinya sa mga priority program ng gobyerno.

Kasama sa mga binasura ni Duterte ay ang ilang provision mula sa Kongreso na kinuwestiyon sa Senado dahil dinagdag matapos maratipikahan ang 2019 national budget bill.

“My information from the [House] is that they want to regain now what they lost last year. Two thousand-nineteen is an election year, and some of them have gotten advances from contractors, and now the contractors are asking them to pay up,” ayon kay Lacson.

Ipapasa ni Lacson, kasama sina Senate Pres. Tito Sotto at Sen. Sonny Angara ang listahan ng mga kuwestiyonableng item sa proposed 2020 national budget sa Pangulo at Department of Budget and Management.

“It’s up to the President to discern or analyze if what we are saying is correct or not,” pakli ni Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?