284

By

Duterte ginagaya ang idolo niyang si Marcos – De Lima

Ginagamit umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapangyarihan nito at kaban ng gobyerno para gipitin ang mga indibiduwal, grupo at organisasyon na may personal siyang galit.

Reaksyon ito ni Senadora Leila de Lima sa banta ng Pangulo na pagharang sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Dagdag pa niya, malinaw na crackdown laban sa mga media outlet, oposisyon at organisasyon na hindi yumuyukod sa kapritso o hindi umaayon sa personal o politikal na agenda ni Duterte ang ginagawa nito.

Sa kabila na mayroon itong mga legal na paraan para matugunan ang hinaing nito laban sa ABS-CBN, mas pinili aniya ng Pangulo ang tinahak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na pagiging diktador.

“Mr. Duterte chooses the path Marcos took. Like his idol, he has shown how much of a dictator he can be — spewing tirades against the network, accusing it of biased reporting and of defrauding him in the 2016 elections,” pahayag ni De Lima.

Nanawagan naman siya sa mga kapwa niya mambabatas na huwag hayaang maging kasangkapang muli ng isang diktador.

Hindi lang aniya ito tungkol sa pagpapatigil sa operasyon ng ABS-CBN kundi tungkol sa pagpigil sa malayang pamamahayag, pagsiil sa mga karapatan at pagkitil sa demokrasya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?