60

By

Duterte ‘di sisipot sa selebrasyon ng Bonifacio Day

Hindi makakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa selebrasyon ng ika-155 kaarawan ni gat Andres Bonifacio ngayong Biyernes sa Caloocan City.

Sa halip ay si Executive Secretary Salvador Medialdea ang kakatawan sa Pangulo sa pagdalo sa aktibidad nito sa Monumento ni Bonifacio.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kinakailangang bumiyahe ang Presidente sa Mindanao para asikasuhin ang problema ng insurgency .

Gayonman, hindi nagbigay ng detalye si Panelo kung saang partikular na lugar sa Mindanao ang pupuntahan ng Presidente.

“Executive Secretary Medialdea will attend instead of President Rodrigo Duterte. He has to fly to Mindanao to attend to the problem of insurgency in Mindanao,” ang maiksing pahayag ni Panelo.

Batay sa official schedule ng Pangulo, alas tres ngayong hapon ay nakatakda sanang pangunahan nito ang ika-155 na anibersaryo ng araw ng kapanganakan ni Bonifacio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?