54

By

Duterte ‘di inindyan ang mga Asean Summit meeting – Palasyo

Pinalagan ng Malacañang ang mga puna sa hindi pagsipot umano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang mahalagang pulong sa katatapos na 35th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit and related summits sa Thailand.

Kasunod ito ng ulat na hindi nakahabol sa photo opportunity ang Pangulo para sa family photo sa isa sa mga summit gayundin sa huling summit na dapat nitong daluhan.

Binigyang-katwiran ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nag-CR ang Pangulo bago ang photo opportunity kaya hindi ito nakahabol.

Ang huling summit naman ani Panelo ay hindi kailangang daluhan ng Presidente dahil ito ay para sa mga economic manager.

“Anong hindi dinaluhan lahat, dinaluhan nga lahat eh. Unang-una, iyong photo op, he had to relieve himself and took a little time. Iyon namang last summit, according to Sonny Dominguez, is more of a technical thing. And the economic managers had to be there, not the President,” ani Panelo.

Binigyang-diin ng kalihim na hindi lang naman si Duterte ang lumiban sa ilang pulong dahil mayroon din ilang heads of state na hindi dumalo o kaya naman ay umalis habang nasa kalagitnaan ng pulong.

“And not only that, there were other heads of the state who were absent, who missed that. In fact, even during the session, umalis si Prime Minister of Malaysia – Mahathir. Another session, umalis din si Singapore Prime Minister Lee,” dagdag ni Panelo.

Hindi aniya isyu ang maagang pag-alis ng Presidente kaya hindi na dumalo sa closing ceremony ng ASEAN summit.

Binigyang-katwiran aniya ng Pangulo na may oras lang dapat manatili ang sasakyang eroplanong pauwi at kapag nahuli ito ay kinabukasan pa makakabalik sa Pilipinas.

“Ang sinasabi ninyo ay iyong closing – ano ba iyong closing? “Thank you for coming here and goodbye.” That was the closing ceremony, ano pa ba naman … hindi naman importante iyon. Eh wala nga doon iyong marami eh.

And I asked the President why he was going to forego the closing ceremony, and he said, “Alam mo, mayroon tayong slot – slot ng eroplano is 7:30. We have to take off at 7:30, otherwise baka bukas pa ako aalis eh ang daming trabaho sa Maynila.” That’s the reason why. Anyway, closing naman iyon,” wika pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?