82

By

Duterte dedma na sa pederalismo – Sotto

Hindi na lilipad ang panukalang pag-amyenda sa Konstitusyon para sa pederalismo kahit nag-aprub ng resolusyon ukol dito ang Kamara.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, bukod sa walang panahon para ito maatupag ng Senado, hindi interesado si Pangulong Rodrigo Duterte.

Tinukoy ang may isang taon nang pagtahimik ni Duterte sa pederalismo at sa pag-amyenda sa Saligang Batas.

“Nitong isang taon, narinig nyo ba ang presidente na nagsalita sa Cha-cha (charter change)?” Tanong ni Sotto.

Sa impormasyon din ni Sotto, hindi si Duterte ang pursigido sa pederalismo.

“Paano nyo nalaman yan? Tanungin kita, sigurado ba sila na ang presidente ang nagtutulak n’yan?” Dagdag ni Sotto.

“Ang napakahalaga sa kaniya yung BOL (Bangsamoro Organic Law). Maganda kasing parang social experiment yun. Yun ang parang federalism,” sabi pa ni Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?