50
Duterte bumoto na sa Davao City
By

Duterte bumoto na sa Davao City

Bumoto na si Pangulong Rodrigo Duterte sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa Davao City.

Nakasuot ang Pangulo ng itim na polo shirt at pantalon nang dumating sa precinct 1245A dakong alas- 4:30 ng hapon.

Sinamahan siya ng kaniyang asawa na si Honeylet Avanceña.

Bago bumoto ay sinuri muna ng Pangulo ang kaniyang balota.

Nasa 15 minuto umano natapos mag-shade ng kaniyang balota ang Punong Ehekutibo at isinubo na ito sa vote counting machine nang walang aberya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?