33
Duterte biyaheng China, Japan sa Abril at Mayo
By

Duterte biyaheng China, Japan sa Abril at Mayo

Sa ikaapat na pagkakataon ay magtutungo muli si Pangulong Rodrigo Duterte sa China para dumalo sa Second Belt and Road Forum sa Abril.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na pagpapatuloy lang ito sa mga naunang napag-usapan ng Pilipinas at China na may kinalaman sa kalakalan at seguridad na pakikinabangan ng dalawang bansa.

“Well, I suppose continuation of their discussion on mutual concerns relative to trade, security, and what else that will benefit both countries,” ani Panelo .

Binigyang-katwiran ng kalihim ang obserbasyon na tila mas pinapaboran ang China kaysa Amerika dahil makailang-beses na ang Pangulo sa China subalit hindi pa nito napagbibigyan ang imbitasyon ni US President Donald Trump para bumisita sa Estados Unidos.

Sinabi ni Panelo na walang paboritismo ang Pangulo, nagkataon lamang aniya na hindi nakakatagal si Pangulong Duterte sa malamig na klima ng Amerika.

“I think the relationship between the US and China remains cordial and healthy. So with America, the only reason perhaps why the President has not considered visiting is because of the temperature. He could not stand very cold temperature; he gets sick,” dagdag pa ni Panelo.

Kasabay nito kinumpirma ng kalihim na nakatakda ring bumisita muli ang Presidente sa Japan sa darating na buwan ng Mayo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?