246

By

Duterte binisita ang Gilas Pilipinas sa locker room

Personal na pinuntahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Gilas Pilipinas sa kanilang locker room bago ang laro kontra koponan ng Italy sa 2019 FIBA World Cup sa Foshan, China nitong Sabado ng gabi.

Isa-isang kinamayan ng Pangulo ang mga miyembro ng Gilas habang sinasambit ang mga katagang “Mabuhay ang Gilas, mabuhay ang Gilas!”

Sinabi ng Pangulo na pumunta siya sa Foshan para personal na manood sa laban ng koponan ng Pilipinas.

Naging masigla ang koponan dahil sa personal na pagbisita ng Presidente sa kanila.

Nag-post pa sa Twitter si coach Allan Gregorio ng kanilang selfie ni Pangulong Duterte.

Matatandaang inihayag ng Pangulo na matatalo ang koponan ng Pilipinas sa team ng Italya dahil malalaki aniya ang mga kalaban ng Gilas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?