395

By

Duterte binalaan si Pacquiao kung tatakbong presidente

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Manny Pacquiao na pag-isipang mabuti kung may plano itong tumakbo sa pagka-pangulo ng bansa.

Ani Duterte, walang ibang makukuha sa pagiging Pangulo kundi pagod at stress.

“Kayong mga politiko na isipin ninyo mabuti. Manny, I think Manny is entertaining, well it’s good… Pag trabaho wala ka talagang makuha kung ‘di pagod,” pahayag ng Pangulo sa kanyang pagsasalita sa birthday ni Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco at misis nito kung saan kabilang sa bisita ang Pambansang Kamao.

Muling inulit ng Pangulo ang pagtutol niyang tumakbo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa presidency sa 2022 elections dahil ayaw nitong danasin ng kanyang anak ang sinapit niya.

“Were it not for the love of country, ‘yun lang talaga mag-sustain. Wala kang makuha dito sa trabaho na ito except work, work and work and work and work. And worry, worry, worry, and be under stress,” paliwanag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?