13

By

Duterte bilib pa rin kay Diokno – Nograles

Sharing is caring!

Hindi nabawasan ang tiwala at paniniwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Department of Budget and Management Secretary Benjamin Diokno sa harap ng panibagong akusasyon ng umano’y panunuhol nito sa mga kongresista.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Alexei Nograles na nananatiling matibay ang kumpiyansa ng Presidente kay Diokno at sa trabaho nito.

Ipinapaubaya aniya ng Pangulo sa kalihim kung ano ang inaakalang dapat gawin sa panibagong akusasyon sa kanya ni Congressman Rolando Andaya na tangka umanong panunuhol ng P40 billion sa mga kongresista para manahimik ang mga ito sa umano’y insertion ng malaking pondo sa DPWH.

“The President trusts and believes in Diokno. He has full faith and confidence in Budget Secretary Diokno, so he leaves it up to Secretary Diokno to do what is necessary and what is right in the matter of whatever is pending in whatever office,” ani Nograles.

Tumanggi namang magkomento ang kalihim sa inisyung subpoena ng Kamara kay Diokno dahil naratipikahan na ng Bicameral Conference Committee ang 2019 national budget.

Naniniwala si Nograles na kinonsulta ni Diokno ang kanyang mga abogado at tumutulong din ang Office of the Solicitor General sa mga isyung legal kaugnay sa akusasyon sa kalihim.

Matatandang pinapaharap sa Kamara si Diokno para sumagot sa mga isyung nakapaloob sa 2019 national budget subalit nagmatigas ang opisyal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?