60

By

Durant best player sa NBA – Embiid

Kilalang maangas ang Philadelphia 76ers star na si Joel Embiid, ngunit tila nagbago ang ihip ng hangin ng purihin nito ang kapwa All-Star sa NBA.

Sa pagkatalo ng 76ers sa Golden State Warriors, 120-117, pinakita ng two-time NBA All-Star ang kanyang pagtangi sa tinaguriang ‘Durantula’.

Saad sa ESPN, ang Golden State Warriors forward na si Kevin Durant ang kanyang kinukusiderang best player sa liga.

“Joel Embiid says Kevin Durant is “probably the best player in the league to me,” ayon sa tweet ng ESPN reporter na si Nick Friedell.

Matatandaan na dati nang pinuri ni Durant si Embiid noong All-Star Weekend kung saan sila magkatunggali.

Saad ni Durant noon, si Embiid umano ang pwedeng sumunod sa kanyang yapak niya sakaling mawala na siya sa liga.

“He’s a great player. He’s definitely a guy that you respect and is going to take over this league here once I’m done,” saad ni Durant.

Si Embiid ay nag-aaverage ng 27.3 points, 13.5 rebounds at 1.9 blocks kada laro, samantalang ang one-time NBA MVP naman na si Durant ay kumokolekta ng 27.6 points, 5.8 assists at 6.9 rebounds na average ngayong season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?