22

May 21, 2020 @ 19:19
By

Duque sipain na sa DOH – Bayan

Dapat na umanong sipain o patalsikin bilang kalihim ng Department of Health (DOH) si Francisco Duque III, ayon sa Bagong Alyansang Makabayan, matapos magpahayag sa Senado na nasa second wave na ng COVID-19 outbreak ang Pilipinas.

“(Francisco) Duque’s “second wave” comments have been roundly repudiated by Palace officials, senators and members of the medical community. It is another testament to Duque’s inability to lead the country’s pandemic response as it’s top health official. Duque should be replaced,” ayon kay Renato Reyes, Secretary General ng Bayan.

Ayon kay Reyes, taliwas sa sinabi ng mga opisyal ng Malakanyang, mga senador at medical experts ang pahayag ni Duque, at patunay lamang ito sa kawalan ng kakayahang pamunuan ang pandemic response ng bansa.

“The statement is a diversion. It is meant to draw away attention from the still below-target daily rate for testing. We are still far from from 30,000 tests daily. The backlog for validating positive tests results also grows by the day, thus data reported does not show us the complete and accurate picture of the transmission,” ayon pa sa grupong Bayan.

Giit ni Reyes, layon ng pahayag ni Duque na ilihis ang atensyon ng publiko sa below-target na daily rate para sa COVID-19 testing.

Idinagdag pa nito na nananatiling ‘vulnerable’ ang mga mamamayan kung mababa pa rin sa target ang mass testing at validation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?