81

Feb 1, 2020 @ 15:01
By

Duque sa nakasalamuha ng Chinese na may nCoV: Mag-self quarantine

Pinayuhan ni Health Secretary Francisco Duque ang lahat ng nakasalamuha ng babaeng Chinese na kinumpirmang may novel coronavirus na mag-self quarantine.

Ayon kay Duque, ang babaeng Chinese ay nanggaling sa Hong Kong pa-Maynila sakay ng Cebu Pacific at mula sa Maynila pumunta ito ng Dumaguete sakay naman ng flight ng Philippine Airlines (PAL).

Nabatid na dumating ito noong Enero 21 sa Dumaguete at nagtagal hanggang Enero 25 at namasyal pa sa lugar.

Hinimok ni Duque ang mga nakasalamuha ng Chinese na mag-self quarantine sa loob ng 14 na araw.

Sinabi rin ng DOH na ilan sa mga nakasalamuha ng babae ay nahanap na nila.

Maging ang mga crew ng PAL at Cebu Pacific ay nailagay na nila sa quarantine.

Kaugnay nito, sinabi ni Duque na patuloy naman sa pagbuti ang kalagayan ng babaeng Intsik at nasa quarantine pa rin.

Gayunman, patuloy pa rin ang contact searching ng DOH.

Kasabay nito, hinimok ng kalihim ang publiko na huwag mag-panic sa pagbili ng face mask dahil hindi naman lahat ng tao ay kailangang magsuot nito.

Ang mga health worker at mga nag-aalaga sa mga persons under investigation ang dapat na magsuot ng face mask.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?