44

Feb 14, 2020 @ 14:15
By

Duque: Flying kiss na lang kontra COVID-19!

Para makaiwas sa novel coronavirus disease 2019 (COVID-19), pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na iwasan muna ang matitinding lambingan at sa halip ay magtiis na lang muna sa “flying kiss”.

Sa Laging Handa press briefing sa Malacanang, Pebrero 14, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na kahit may date ay tiyakin pa rin ang kaligtasan laban sa virus.

Sinabi ni Duque na ang pinakamainam na pagbati ngayong Valentine’s Day ay flying kiss, kaway-kaway o kaya ay Hindu greeting na “Namaste”.

Pero sinabi ng kalihim na kapag nag-flying kiss, tiyaking hindi hahawakan ang labi at huwag magsalita bago gawin ang pagpapalipad ng halik.

“The best greeting is waving or Namaste or flying kiss. When you do the flying kiss make sure it doesn’t touch your lips and you also don’t talk when delivering the kiss. Airborne delivery of the kiss,” ani Duque.

Hindi naman ipinapayo ng kalihim na manatili na lang sa bahay ngayong Valentine’s Day para lamang makaiwas sa COVID-19.

Kinlaro ng kalihim na wala pang local transmission ang virus kaya dapat alisin ng publiko ang pag-aalala dahil kumikilos naman aniya ang pamahalaan para hindi kumalat sa bansa ang sakit na nagmula sa China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?