49
Duque: COO John Basa, itinalagang PhilHealth OIC
By

Duque: COO John Basa, itinalagang PhilHealth OIC

Inanunsiyo ni Health Secretary Francisco Duque III na magiging officer-in-charge (OIC) ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) si Executive Vice President at Chief Operating Officer (COO) John Basa.

Sa panayam kay Duque sa Unang Balita, sinabi nitong nasa Amerika pa si Basa at darating pa lang sa Lunes kaya pansamantalang in-appoint na OIC si Management Services Sector senior vice president Dennis Mas.

Unang napaulat na isang Dr. Jaime Cruz ang gustong italagang susunod na presidente ng PhilHealth ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong hingin ang courtesy resignations ng matataas na opisyal ng korporasyon matapos sumingaw ang “ghost dialysis” ng WellMed.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?