8

By ,

Duno, Gaballo pasabog sa Midas

Sharing is caring!

Tampok ang magkahiwalay na laban nina world-ranked lightweight Romero Duno at Interim world bantamweight champion Reymart Gaballo, handog ng ESPN5 at 1Pacman Partylist sa Sabado sa Midas Hotel and Casino sa Pasay.

Makakasagupa ni Duno (18-1, 14 KOs), na nasa ilalim ng promotional contract ng Golden Boy Promotion ni Oscar de la Hoya, si Kuldeep Dhanda (7-1, 1 KO) ng India.

Umaasa si 1Pacman Representative Mikee Romero na marami ang manonood ng nasabing laban.

“By helping stage this event, we hope to discover more talented Filipino boxers. We also hope to encourage our young boxers to take boxing seriously because in this sport we have a chance of winning an Olympic gold,” wika ni Romero.

“It’s part of my personal mission to help as many sports as I can.”

Ang pro-boxing ang isa sa mga sports na sinusuportahan ngayon ni Romero, na tinuring din na “godfather” ng Philippine basketball team sa SEA Games.

Sa isa pang laban ay makakabangga naman ni Gaballo (20-0, 17 KOs) si Yuya Nakamura (9-2-1, 7 KOs).

Bukod sa laban nina Duno at Gaballo, sasabak din si dating world flyweight champion Johnriel Casamiro at si Dave Penalosa.

“It will be a guaranteed night of action. It is worth watching. SanMan assures you of an all exciting fightcard,” wika naman ni JC Manangquil ng Sanman Promotions.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?